Skip to main content

HeartBullet Ep. 3 [In Filipino]



   Nagulat si Tantan sa kanyang narinig na muntikan na niyang mahulog ang mga baso at pinggan, matapos nitong marinig ang sagot ni Abigail.
“Eh? Hindi mo alam kung sino ka?” nagtatakang wika ni Tantan.

   Lumapit si Tantan kay Rhett at bumulong, “Master, pinukpok mo ba nang martilyo ang ulo n’ya?”. 

   “Sa tingin mo, ganyan akong tao?” sagot ni Rhett kay Tantan at bigla nalang siyang tumayo at lumabas nang bahay.

   “Galit po ba siya, Manong?” tanong ni Abigail na naguguluhan pa.

   “Anong Manong? Bata pa ako, noh!” tapos masabi ni Tantan ay umalis din ito.

   “Bakit ba galit sila sa akin? May masama ba akong nagawa?” tanong ni Abigail sa mga bata nakatingin sa kanya.

   “Ate Ganda, kapag natapos na po kayo sa pagkain d’yan ay sumama po kayo sa ami, meyroon kaming ipapakita po sa inyo” wika nang pinakamaliit sa limang bata na nakatayo. At sumang-ayon naman agad si Abigail at nagmadali itong kumain na halos mapuno na ang kanyang bibig nang pagkain.

   Sa labas ay doon nagmumuni-muni si Rhett at kahit na ginulat ito ni Tantan ay wala pa rin siyang kibo.

   “Ano na ang plano, Master? Eh, na amnesia itong si Abigail at ano gagawin natin sa kanya?” tanong ni Tantan na nababalisa.

   “Aalis muna ako- ikaw na bahala sa mga bata at sa Pangit na iyan” at nang paalis na si Rhett ay bigla nalang sumigaw si Abigail.
“Sinong Pangit?” sigaw ni Abigail na ikinabigla ni Tantan pero hindi kay Rhett.

   Pero hindi ito inintindi ni Rhett at patuloy siyang naglakad palabas. Sinundan ito ni Abigail at nakasimangot dahil sa inis na nararamdaman at napabulong, “buti pa ang mga bata nagagandahan sa akin”.

   “Baka tinakot mo?” pabulong na sabi ni Tantan malapit sa tenga ni Abigail, at pagkatapos ay mabilis siya tumakbo papunta nang kusina. At ayon, mas nagalit itong si Abigail at sumama nalang sa mga bata.


<-------------HeartBullet Episode 2                                                HeartBullet Episode 4----------->


Comments

Popular posts from this blog

Collection Of Language Trivia Enjoy !!

DNA stands for DeoxyriboNucleicAcid. Cooties are a kind of lice. Kids are right, you really don't want to catch cooties. Q is the only letter that does not appear in the names of any state of the Unites States. The side of a hammer is a cheek. Pierre, the capital of South Dakota, is the only state capital name that shares no letters with the name of its state. Hoful is an unusual word meaning cautious. A panagram is a sentence that contains all 26 letters of the English alphabet. For example: Pack my red box with five dozen quality jugs. Monday is the only day of the week that has an anagram, dynamo. The study of insects is called entomology.    The white part of your fingernail is called the lunula. The word "karate" means "empty hand." If you have had a haircut, you can be called an acersecomic. The symbol on the "pound" key (#) is called an octothorpe. "Fickleheaded" and "fiddledeedee" ...

HeartBullet Ep.2 [In Filipino]

   Habang naghahanap ang mga security personnel kay Abigail,  bigla nalang nawalan ng ilaw, at pagkatapos ng ilang Segundo ay bumalik ulit ito. Walang bakas silang nakita at hindi nila nahanap si Abigail kahit nilibot na nila ang buong paligid, isang mapanlulumong gabi para sa buong pamilya ni Abigail ang biglaang pagkawala nito.    Isang kotse ang bumabaybay sa kahabaan ng Maharlika Highway na tumatakbo sa direksyon tungo sa syudad nang Bayugan. Sa loob ng kotse ay naroroon si Abigail, walang malay at suot-suot pa nito ang gown na bigay sa kanya ng kanyang ama. Isang lalaki ang naka-itim at nakatakip ang bibig na siyang nagmamaneho ng kotse. Huminto ang kotse sa isang iskinita at dinala nang hindi kilalang lalaki ang mahimbing na natutulog na si Abigail sa isang gubat. At doon sa gubat, ay isang bahay kubo ang tahimik na nakatayo kung saan isang hindi katangkaran na lalaki ang nakatayo sa pintuan ng bahay kubo.     “Ang galing ...

HeartBullet Ep. 4 [in Filipino]

   Mabilis ang takbo nang motor ni Rhett at wala siyang pakialam kahit na pasikot-sikot ang daan.     Isang libreng Livelihood seminar ang nangyayari sa Memorial Gymnasium nang Bayugan kung saan naroroon ang mga taong may kapansanan na haharap at tuturoan kung paano gumawa ng mga palamuti sa katawan at sa bahay. Naroroon si Konsehal Lee Roy, pinuno nang Committee on Cooperative and Livelihood at nagpasimuno nang nasabing seminar.    Sa labas nang pinagdadausan ay nakatayo si Rhett at may dala-dalang pack Bag. Agad siyang pumunta sa gilid nang gym at doon ay pasimpleng pumuslit at pumasok. Pasimple siyang naglagay nang nakatiklop na papel sa bulsa nang isa sa mga security guard nang konsehal. Naramdaman nang nasabing security guard ang paglagay nang papel sa bulsa niya at nang basahin niya ito, nabigla siya sa kanyang nabasa; ‘Mamamatay ngayon si Konsehal Lee Roy. Walang makakapigil, uubusin ko  lahat na nandirito.’ ...