Skip to main content

Posts

Showing posts with the label end poverty

End Poverty

Matagal na din ang panahong muli akong nagsulat nang ganito, at upang maipahayag ko ang aking mga saloobin tungkol sa mga nangyayari ngayon. Ang kahirapan ay sadyang kumakalat na ngayon sa ating lipunan, parang isang sakit na nakakahawa at unti-unting pumapatay sa lahat ng mga tao. Tiyak na alam ninyo na ang problemang hinaharap nang ating gobyerno sa ngayon, ito ay ang paglobo nang ating populasyon at pagdami nang mahihirap ngayon. Ang kahirapan ay isang simbolo o resulta nang hindi maayos na paghawak nang gobyerno sa bansa. Hindi ko sinasabi na isisi natin ito sa pangngulo,ngunit sana’y tayo mismo ay maging mapagmatyag sa kanilang mga kilos at nangyayari sa ating lipunan. Hindi sana magiging ganito kung naging open-minded ang gobyerno, kung saan pinakikinggan dapat nila ang mga hinaing nang bawat mamamayan. At tayong mga mamamayan ay dapat maging wais at huwag maging bulag sa mga nangyayari sa bansa at ang mga kabolastugang ginagawa nang ating gobyerno. Ayon sa aking guro sa...