Skip to main content

End Poverty





Matagal na din ang panahong muli akong nagsulat nang ganito, at upang maipahayag ko ang aking mga saloobin tungkol sa mga nangyayari ngayon.

Ang kahirapan ay sadyang kumakalat na ngayon sa ating lipunan, parang isang sakit na nakakahawa at unti-unting pumapatay sa lahat ng mga tao. Tiyak na alam ninyo na ang problemang hinaharap nang ating gobyerno sa ngayon, ito ay ang paglobo nang ating populasyon at pagdami nang mahihirap ngayon.

Ang kahirapan ay isang simbolo o resulta nang hindi maayos na paghawak nang gobyerno sa bansa. Hindi ko sinasabi na isisi natin ito sa pangngulo,ngunit sana’y tayo mismo ay maging mapagmatyag sa kanilang mga kilos at nangyayari sa ating lipunan. Hindi sana magiging ganito kung naging open-minded ang gobyerno, kung saan pinakikinggan dapat nila ang mga hinaing nang bawat mamamayan. At tayong mga mamamayan ay dapat maging wais at huwag maging bulag sa mga nangyayari sa bansa at ang mga kabolastugang ginagawa nang ating gobyerno.
Ayon sa aking guro sa history,  noong sumiklab ang ZTE scandal kung saan nadawit ang asawa nang Pangngulo sa di umanoy sabwatan nang kompanya at siya. Hindi ninyo ba napansin na makalipas nang lumabas ang mga baho na iyon, ay biglang sumiklab naman ang pagtaas nang presyo nang bigas, kung saan ito ay pangunahing pangangailangan nating mga Pilipino? Nagkataon lang ba iyon, o sadyang inililihis lang tayo sa tunay na problema?
Ang susunod naman ay ang pagtaas nang dami nang mga Pilipino sa ngayon. Noong nasa elementarya pa ako, halos mabilang at madali ko lang makilala yong mga ka-schoolmate ko, pero nang dumaan ang ilang taon, halos magkaubusan na nang silid-aralan an gaming paaralan dahil sa dami nang mga estudyante. Nabalitaan ko ding nagkaroon nang kakapusan nang silid sa sekondarya doon sa amin. Ganito na ba karami tayo? At halos wala ng paglagyan dahil sa dami ng mga batang pumapasok sa paaralan?

Tayong mga Pilipino ay sadyang medaling nakikibagay sa takbo nang panahon, ngunit sana dapat, isipin natin na meyroon pang susunod henerasyon, ang mga anak, apo, apo sa tuhod at iba pa, na kung saan sila ay may karapatang makita kung gaano kaganda ang mundo. Huwag sana nating ipagkait sa kanila ang karapatan na iyon. Sana ay masulosyunan na itong kahirapan na tumama sa ating bansa. Hindi lang sana ang ating sariling kaligayan ang ating iisipin.

Comments

Popular posts from this blog

HeartBullet Ep.2 [In Filipino]

   Habang naghahanap ang mga security personnel kay Abigail,  bigla nalang nawalan ng ilaw, at pagkatapos ng ilang Segundo ay bumalik ulit ito. Walang bakas silang nakita at hindi nila nahanap si Abigail kahit nilibot na nila ang buong paligid, isang mapanlulumong gabi para sa buong pamilya ni Abigail ang biglaang pagkawala nito.    Isang kotse ang bumabaybay sa kahabaan ng Maharlika Highway na tumatakbo sa direksyon tungo sa syudad nang Bayugan. Sa loob ng kotse ay naroroon si Abigail, walang malay at suot-suot pa nito ang gown na bigay sa kanya ng kanyang ama. Isang lalaki ang naka-itim at nakatakip ang bibig na siyang nagmamaneho ng kotse. Huminto ang kotse sa isang iskinita at dinala nang hindi kilalang lalaki ang mahimbing na natutulog na si Abigail sa isang gubat. At doon sa gubat, ay isang bahay kubo ang tahimik na nakatayo kung saan isang hindi katangkaran na lalaki ang nakatayo sa pintuan ng bahay kubo.     “Ang galing ...

Collection Of Language Trivia Enjoy !!

DNA stands for DeoxyriboNucleicAcid. Cooties are a kind of lice. Kids are right, you really don't want to catch cooties. Q is the only letter that does not appear in the names of any state of the Unites States. The side of a hammer is a cheek. Pierre, the capital of South Dakota, is the only state capital name that shares no letters with the name of its state. Hoful is an unusual word meaning cautious. A panagram is a sentence that contains all 26 letters of the English alphabet. For example: Pack my red box with five dozen quality jugs. Monday is the only day of the week that has an anagram, dynamo. The study of insects is called entomology.    The white part of your fingernail is called the lunula. The word "karate" means "empty hand." If you have had a haircut, you can be called an acersecomic. The symbol on the "pound" key (#) is called an octothorpe. "Fickleheaded" and "fiddledeedee" ...

HeartBullet Ep. 4 [in Filipino]

   Mabilis ang takbo nang motor ni Rhett at wala siyang pakialam kahit na pasikot-sikot ang daan.     Isang libreng Livelihood seminar ang nangyayari sa Memorial Gymnasium nang Bayugan kung saan naroroon ang mga taong may kapansanan na haharap at tuturoan kung paano gumawa ng mga palamuti sa katawan at sa bahay. Naroroon si Konsehal Lee Roy, pinuno nang Committee on Cooperative and Livelihood at nagpasimuno nang nasabing seminar.    Sa labas nang pinagdadausan ay nakatayo si Rhett at may dala-dalang pack Bag. Agad siyang pumunta sa gilid nang gym at doon ay pasimpleng pumuslit at pumasok. Pasimple siyang naglagay nang nakatiklop na papel sa bulsa nang isa sa mga security guard nang konsehal. Naramdaman nang nasabing security guard ang paglagay nang papel sa bulsa niya at nang basahin niya ito, nabigla siya sa kanyang nabasa; ‘Mamamatay ngayon si Konsehal Lee Roy. Walang makakapigil, uubusin ko  lahat na nandirito.’ ...