Mabilis ang takbo
nang motor ni Rhett at wala siyang pakialam kahit na pasikot-sikot ang daan.
Isang libreng Livelihood seminar ang nangyayari sa Memorial
Gymnasium nang Bayugan kung saan naroroon ang mga taong may kapansanan na
haharap at tuturoan kung paano gumawa ng mga palamuti sa katawan at sa bahay.
Naroroon si Konsehal Lee Roy, pinuno nang Committee on Cooperative and
Livelihood at nagpasimuno nang nasabing seminar.
Sa labas nang pinagdadausan ay nakatayo si Rhett at may
dala-dalang pack Bag. Agad siyang pumunta sa gilid nang gym at doon ay
pasimpleng pumuslit at pumasok. Pasimple siyang naglagay nang nakatiklop na
papel sa bulsa nang isa sa mga security guard nang konsehal. Naramdaman nang
nasabing security guard ang paglagay nang papel sa bulsa niya at nang basahin
niya ito, nabigla siya sa kanyang nabasa;
‘Mamamatay ngayon si Konsehal Lee Roy. Walang makakapigil,
uubusin ko lahat na nandirito.’
Ito ang nakasulat sa papel kung saan agad nitong
pinagbigay-alam sa kanilang Head security at doon ay hinigpitan nila ang
pagbabatay sa Konsehal at nag-disperse lahat ng mga security guard sa paligid
upang mahanap ang sinumang naglagay nang bantang iyon.
Isa sa mga security guard ay may nakitang kahina-hinalang
lalake na unti-unting lumapit kay Konsehal Lee Roy at ito’y si Rhett. Itinutok
nang security guard na iyon ang kanyang baril kay Rhett at ready nang kalabitin
nito ang kanyang baril. Bigla nalang tumakbo si Rhett papalapit sa Konsehal at dahil
dito na bigla ang security guard at nakalabit niya ang gatilyo at tinamaan si
Rhett habang nakayakap siya kay Konsehal. Agad na pinaulanan nang bala ng mga
kasamahang security guard ang security guard na bumaril na kay Rhett.
Mabilis na naka-responde ang ambulance at idinala si Rhett
sa Ospital, pasalamat nalang itong Rhett at daplis lang ang kanyang natamo.
Habang nagpapahinga sa kwarto si Rhett ay biglang pumasok si Konsehal Lee at lumapit sa kanya.
“Salamat sa iyong pagligtas sa buhay ko, bata. Kulang pa na
kabayaran ang pagbayad ng mga bills mo rito sa ginawa mong pagligtas sa buhay
ko, gusto pa kitang tulungan, meyroon ka bang nais na ihiling bilang gantipala nang iyong kabayanihan?” tanong nang Konsehal kay Rhett.
“Isa lang po ang mahihiling ko, ‘yun po ay magkaroon ako
nang trabaho para mabuhay ko po ang lima kong kapatid” sagot ni Rhett.
“Tamang-tama at kulang na ako nang isang security guard,
mukhang malakas ka naman at matalas kang makiramdam, ikaw nalang ang hahalili
sa bwiset na security guard na’yon. Payag ka ba sa alok ko?” tanong ni
Konsehal.
Agad na pumayag si Rhett sa alok nang Konsehal at
nakangiting nakipaglamano kay Konsehal Lee.
Ano kaya ang kanyang mga dahilan at bakit ginawa iyon ni Rhett? Abangan ngayong Wednesday ang Episode 5 nang HeartBullet.
<------------- HeartBullet Episode 3 HeartBullet Episode 5 ---------------->
parang may mali sa storya.bakit piangbabaril ng kapwa security guard yung isang SG,tama naman na barilin nya yung kahinahinalang si Rett na lumapitr sa onsehal.
ReplyDeleteat parang putol ang continuation nung 1st paragraph sa 2nd paragraph.
@tatess.... ano po ibig sabihin nyo po sa "at parang putol ang continuation nung 1st paragraph sa 2nd paragraph."?
ReplyDeleteParang nawala nako sa story. Backread muna... Ahihi. Daming kapatid ni Rhett!
ReplyDeleteyou have a talent for writing. I am a writer myself pero I am not really good in Filipino literary.
ReplyDeleteI never had a knack at Tagalog write-ups and plot pero this one is an exception, indeed u have a talent for writing! Kudos!
ReplyDeleteNice story...keep it up.. do writing and posting...
ReplyDeletethanks for posting episode 3
ReplyDeleteI haven't read the first 3 ep. Mukhang maganda to. Backread ako.
ReplyDeletedapat indi tayo maghusga at magmadali... tapusin muna ang bawat bahagi nito... maganda ang pagkalagay na sanaysay... mayroon suspense!
ReplyDeletenakakaaliw naman to.. hehehe dahil nasanay akong magbasa ng English, medyo hirap na ako sa Tagalog now.. naku naman :) Napakagandang post!
ReplyDeletegets ko na ang connection sa ep.3! di ko ma-connect kanina eh hahaha
ReplyDeletemukhang kelangan kong basahin ulit hangang sa simula hahahaha...
ReplyDeleteSalamat sa mga comments n'yo po....
ReplyDeletewow.. ngayon lang ako nakabisita sa isang blog na katulad na ito.. great.. abangan ang susunod na kabanata,... mukhang may balak patayin ni Rhett ang konsehal.. bakit kaya
ReplyDeleteI think you're committing what most newbie writers commit as a mistake. The continuity is not there. Kumbaga sa pelikula, sa frame na to e nasa right ang mug, next frame nasa left na. Details lang naman.
ReplyDeleteNakakaaliw naman.. gustong gusto ko talagang gumawa ng tagalog blog kaso bulol akong mag tagalog kaya cgurado bulol din ang isusulat ko ehehe.. keep it up.. susubaybayan ko to. :)
ReplyDelete