Nagulat si Tantan sa kanyang narinig na muntikan na niyang
mahulog ang mga baso at pinggan, matapos nitong marinig ang sagot ni Abigail.
“Eh? Hindi mo alam kung sino ka?” nagtatakang wika ni
Tantan.
Lumapit si Tantan kay Rhett at bumulong, “Master, pinukpok
mo ba nang martilyo ang ulo n’ya?”.
“Sa tingin mo, ganyan akong tao?” sagot ni Rhett kay Tantan
at bigla nalang siyang tumayo at lumabas nang bahay.
“Galit po ba siya, Manong?” tanong ni Abigail na naguguluhan
pa.
“Anong Manong? Bata pa ako, noh!” tapos masabi ni Tantan ay
umalis din ito.
“Bakit ba galit sila sa akin? May masama ba akong nagawa?”
tanong ni Abigail sa mga bata nakatingin sa kanya.
“Ate Ganda, kapag natapos na po kayo sa pagkain d’yan ay
sumama po kayo sa ami, meyroon kaming ipapakita po sa inyo” wika nang
pinakamaliit sa limang bata na nakatayo. At sumang-ayon naman agad si Abigail
at nagmadali itong kumain na halos mapuno na ang kanyang bibig nang pagkain.
Sa labas ay doon nagmumuni-muni si Rhett at kahit na ginulat
ito ni Tantan ay wala pa rin siyang kibo.
“Ano na ang plano, Master? Eh, na amnesia itong si Abigail
at ano gagawin natin sa kanya?” tanong ni Tantan na nababalisa.
“Aalis muna ako- ikaw na bahala sa mga bata at sa Pangit na
iyan” at nang paalis na si Rhett ay bigla nalang sumigaw si Abigail.
“Sinong Pangit?” sigaw ni Abigail na ikinabigla ni Tantan
pero hindi kay Rhett.
Pero hindi ito inintindi ni Rhett at patuloy siyang naglakad
palabas. Sinundan ito ni Abigail at nakasimangot dahil sa inis na nararamdaman
at napabulong, “buti pa ang mga bata nagagandahan sa akin”.
“Baka tinakot mo?” pabulong na sabi ni Tantan malapit sa
tenga ni Abigail, at pagkatapos ay mabilis siya tumakbo papunta nang kusina. At
ayon, mas nagalit itong si Abigail at sumama nalang sa mga bata.
Comments
Post a Comment
Thanks for the comment