Skip to main content

Posts

Showing posts with the label EP Story

HeartBullet Ep. 4 [in Filipino]

   Mabilis ang takbo nang motor ni Rhett at wala siyang pakialam kahit na pasikot-sikot ang daan.     Isang libreng Livelihood seminar ang nangyayari sa Memorial Gymnasium nang Bayugan kung saan naroroon ang mga taong may kapansanan na haharap at tuturoan kung paano gumawa ng mga palamuti sa katawan at sa bahay. Naroroon si Konsehal Lee Roy, pinuno nang Committee on Cooperative and Livelihood at nagpasimuno nang nasabing seminar.    Sa labas nang pinagdadausan ay nakatayo si Rhett at may dala-dalang pack Bag. Agad siyang pumunta sa gilid nang gym at doon ay pasimpleng pumuslit at pumasok. Pasimple siyang naglagay nang nakatiklop na papel sa bulsa nang isa sa mga security guard nang konsehal. Naramdaman nang nasabing security guard ang paglagay nang papel sa bulsa niya at nang basahin niya ito, nabigla siya sa kanyang nabasa; ‘Mamamatay ngayon si Konsehal Lee Roy. Walang makakapigil, uubusin ko  lahat na nandirito.’ ...

HeartBullet Ep. 3 [In Filipino]

   Nagulat si Tantan sa kanyang narinig na muntikan na niyang mahulog ang mga baso at pinggan, matapos nitong marinig ang sagot ni Abigail. “Eh? Hindi mo alam kung sino ka?” nagtatakang wika ni Tantan.    Lumapit si Tantan kay Rhett at bumulong, “Master, pinukpok mo ba nang martilyo ang ulo n’ya?”.     “Sa tingin mo, ganyan akong tao?” sagot ni Rhett kay Tantan at bigla nalang siyang tumayo at lumabas nang bahay.    “Galit po ba siya, Manong?” tanong ni Abigail na naguguluhan pa.    “Anong Manong? Bata pa ako, noh!” tapos masabi ni Tantan ay umalis din ito.    “Bakit ba galit sila sa akin? May masama ba akong nagawa?” tanong ni Abigail sa mga bata nakatingin sa kanya.    “Ate Ganda, kapag natapos na po kayo sa pagkain d’yan ay sumama po kayo sa ami, meyroon kaming ipapakita po sa inyo” wika nang pinakamaliit sa limang bata na nakatayo. At sumang-ayon naman agad si...

HeartBullet Ep.2 [In Filipino]

   Habang naghahanap ang mga security personnel kay Abigail,  bigla nalang nawalan ng ilaw, at pagkatapos ng ilang Segundo ay bumalik ulit ito. Walang bakas silang nakita at hindi nila nahanap si Abigail kahit nilibot na nila ang buong paligid, isang mapanlulumong gabi para sa buong pamilya ni Abigail ang biglaang pagkawala nito.    Isang kotse ang bumabaybay sa kahabaan ng Maharlika Highway na tumatakbo sa direksyon tungo sa syudad nang Bayugan. Sa loob ng kotse ay naroroon si Abigail, walang malay at suot-suot pa nito ang gown na bigay sa kanya ng kanyang ama. Isang lalaki ang naka-itim at nakatakip ang bibig na siyang nagmamaneho ng kotse. Huminto ang kotse sa isang iskinita at dinala nang hindi kilalang lalaki ang mahimbing na natutulog na si Abigail sa isang gubat. At doon sa gubat, ay isang bahay kubo ang tahimik na nakatayo kung saan isang hindi katangkaran na lalaki ang nakatayo sa pintuan ng bahay kubo.     “Ang galing ...