Habang naghahanap ang mga security personnel kay Abigail, bigla nalang nawalan ng ilaw, at pagkatapos
ng ilang Segundo ay bumalik ulit ito. Walang bakas silang nakita at hindi nila
nahanap si Abigail kahit nilibot na nila ang buong paligid, isang mapanlulumong
gabi para sa buong pamilya ni Abigail ang biglaang pagkawala nito.
Isang kotse ang bumabaybay sa kahabaan ng Maharlika Highway
na tumatakbo sa direksyon tungo sa syudad nang Bayugan. Sa loob ng kotse ay
naroroon si Abigail, walang malay at suot-suot pa nito ang gown na bigay sa
kanya ng kanyang ama. Isang lalaki ang naka-itim at nakatakip ang bibig na siyang
nagmamaneho ng kotse. Huminto ang kotse sa isang iskinita at dinala nang hindi
kilalang lalaki ang mahimbing na natutulog na si Abigail sa isang gubat. At
doon sa gubat, ay isang bahay kubo ang tahimik na nakatayo kung saan isang
hindi katangkaran na lalaki ang nakatayo sa pintuan ng bahay kubo.
“Ang galing mo talaga, Master!” wika nang lalakeng nakatayo.
“Tantan, wag lakasan ang boses at baka magising ito” mahinang
sabi nang lalakeng kumuha kay Abigail.
“So? Ano plano mo, Master?” tanong ni Tantan sa lalakeng
kumuha kay Abigail.
Hindi namalayan nang dalawa na gising si Abigail at tahimik
na nakikinig. Hinintay na Abigail na sagutin nang sinasabing Master ang tanong
pero bigla nalang itong pumasok sa isang kwarto.
Kinaumagahan, bumungad sa bagong gising na si Abigail ang
mga ngiti ng apat na bata na nakapaligid sa kanya. Nagulat siya nang siya ay
inalalayang itinayo ng mga bata at hinawakan ang kanyang kamay at dinala sa
hapag kainan.
“Kuya Rhett, andito na girlpren n’yo po” wika nang isa sa
mga bata sa lalakeng nagngangalang Rhett kung saan nauna na itong kumain.
“Kumain ka na! Bago
pa maubos ko lahat ito” wika ni Rhett kay Abigail.
Umupo si Abigail at
nagsimula na ring kumai, sa ikalawang subo niya ay napansin niyang nakatingin
pa rin sa kanya ang mga bata. Tinanong niya kung kumain na ba sila at sumagot
naman ito ng Oo. Pero napansin ni Abigail na puro lalake ang mga batang
nakikita niya.
“Mga kapatid mo ba itong mga bata na’to?”
“Oo, ang limang itlog na’yan” sagot ni Rhett sa tanong ni
Abigail.
At nang malapit nang matapos si Abigail sa pagkain ay
tinanong siya ni Rhett.
“Huwag kang magtangkang tumakas….klaro?”
“Eh!? Bakit ako tatakas? At saka….Sino kayo? Bakit ako
naririto? Boyfriend ba kita? Sino ako?” sagot ni Abigail sa sinabi ni Rhett.
Patay....Anong nangyari kay Abigail? Abangan sa Lunes....
<------------------- HeartBullet Ep. 1 HeartBullet Ep. 3 ------------------>
hahaha... galing naman... meron pala akong katulad sa post's style... nice story... you're also welcome to read mine... http://trunklocker.blogspot.com/2011/02/part-i-first-encounter.html ... thanks. Yahweh bless/
ReplyDeleteok, di ko pa nga nabasa yung unang unang episode.
ReplyDeleteBookmarked!
On no nabitin ako.. Now I have to follow this... Interesting! ;-)
ReplyDeleteThanks Violy Vallester, Nancy at Ralph.....
ReplyDeleteHaha! Series pala. Sige basahin ko muna naunang kabanata...
ReplyDeletewow pocketbook pala ito hihihi, abangan ko nga ang susunod na kabanata
ReplyDeleteDon't forget to recommend this...hehehe..thanks....
ReplyDeletehahaha,si Abigail kaagad nag bumungad na nakidnap .binabasa ko ito habang iniisip kung ano kaya ang unang episode. parang ala Robin Padilla movie ito at si Cludine Baretto si Abigail ,galing.
ReplyDeletenahihirapan ako nito sa pagbasa ^_^
ReplyDelete@Faust...saan po kayo nahirapan?
ReplyDeletehehe galing namna netong story na to! I'll be looking for the first part and the continuation of this. ehehehe
ReplyDelete@Kindlehearts.com tomorrow will have episode 3
ReplyDeletekung any ang nadatnan ko yun lang ang nauunawaan ko. may dating, and galing!
ReplyDeleteNice! :D Kelangan ko nang subaybayan 'to. Naiintriga ako sa nangyari kay Abigail.
ReplyDeleteuy katukayo ko pa (Abigail din ako). ang mga kwentong pinoy, di nawawalan ng amnesia. :D
ReplyDeleteparang gusto kong subaybayan to ah.. My Amnesia Girl lang ang drama.. hehehe! Cge Cge, mabasa nga.
ReplyDeleteabah! mukhang susbaybayan ko ang soty na ito kasi to be contiued eh hahahaha....
ReplyDeleteNice one! Ang ganda naman nito!
ReplyDelete@Clint...salamat..
ReplyDelete@Amor Envina... meyroon na pong episode 3....
i luv reading series like dis, sa Pilipino Star Ngayon na true confessions adik aq jejeje
ReplyDeletetuloy-tuloy mo lang ang paggawa ng mga ganito, malay mo madiskobre ka at kunin ka ng mga major networks ng Pilipinas gaya ng Abs-CBN
ReplyDeletecan't wait for the next episode
ReplyDeletemedyo nacurious ako sa story ... balikan ko to ... I like how it was written though there were parts that could have had a smoother transition ...
ReplyDeletecan't wait for the next.. hahaha nice!
ReplyDeletenasa chapter 3 na ako. napakaganda ng pagbitin ng mga scenes. really entices readers to continue reading on.
ReplyDeleteayos, lalo nang gumaganda ang kwento mo galing!
ReplyDeleteSalamat sir Kiko.... :)
ReplyDeletelooks like an interesting read, i cannot wait to read more ^_^
ReplyDeleteThe writing here is great! Well, I've never really been good at Filipino in the first place.
ReplyDeleteKeep honing your skill and can't wait for what comes next! Good luck!
bro pwede ka nang magsulat ng libro. give it a go and believe in yourself, you can make it! :-)
ReplyDeleteAng saya nito. You should have it published :)
ReplyDeletethanks Carla...
ReplyDelete