Featured News


HeartBullet [In Filipino]


Sulat ni Ian Onyot
Graphics by Mr. Petross



            Perpekto- ganyan mailalarawan ang buhay ni Abigail, nag-iisang anak ng isang ma-impluwensyang Business Tycoon sa Pilipinas. Bakit? Ikaw daw ang may jowang ubod nang talino at gwapo!? Ibinibigay sa 'yo ang lahat nang luho mo!? At ikaw ang pinakamaganda at pinakamatalino sa school!? Ika-labingtatlo ng Pebrero taong 2012, isang espesyal na araw para kay Abigail ang araw na ito dahil kaarawan niya. Pero hindi lang ito ang dahilan ng pagiging espesyal ng araw na ito dahil sa gabi na ito at mismong selebrasyon ng kanyang kaarawan ibibigay at ipamamana ng kanyang ama ang lahat ng kanyang ari-arian kay Abigail. Sa gabing iyon, ang buong lugar ay kumikinang at tadtad ng mga magagandang ilaw. Sa isang kwarto kung saan naroroon si Abigail at nag-aayos ng kanyang make-up at damit. Nang may biglang pumasok sa kwarto at si Abigail ay nagulat at pinagalitan ang room boy dahil sa hindi nito pagkatok. Humingi ng tawad ang nasabing room boy at umalis agad ito pagkatapos kunin ang mga tasang pinag-inuman ng kape.

"Ladies and gentlemen, nais ko pong magpasalamat sa pagdalo ninyo sa Birthday Party ng aking unika-iha na si Abigail. Nais kong tawagin ang aking pinakamamahal na anak na si Abigail upang samahan ako sa entabladong ito. Masigabong palakpakan" wika ng ama ni Abigail na masayang masaya at puno ng pagmamalaki. 

      Ang lahat ay nakatingin at naghihintay sa paglabas ni Abigail mula sa arkong tadtad ng dyamante at mga bulaklak. Ngunit makalipas ang ilang minuto ay walang Abigail na lumabas at ito'y nagbigay ng kaba sa lahat ng mga taong naroroon. Tiningnan ng security personnel ang kwarto kung saan naroroon si Abigail ngunit wala doon si Abigail. At agad na pinahalughog nang ama ni Abigail ang buong paligid at pati din sa labas ng pinagdada-usan ng handaan. 

Ang tanong: Nasaan si Abigail?


                                  HeartBullet Episode 2 ------>

3 comments:

Thanks for the comment

Scroll to top