Skip to main content

Skemalandia at ang Brilyantitos


Kapitulo Uno
Ang Pantas at Ang mga Bampira


Sa kailaliman nang gabi, sa isang bahay na malapit sa terminal nang bus nang Bayugan, isang sanggol ang iniwan sa tapat ng isang bahay nang isang hindi kilalang tao na nakatakip ang mukha.

Kinabukasan, laking gulat nang pamilyang Bagton nang makita ang sanggol sa harap nang kanilang pinto. At dahil sa wala pa silang anak, kinupkop nila ito at itinuring na kanilang sariling anak, at pinangalanan itong Myko (Mayko).
Si Myko ay namuhay nang ibinibigay ang lahat sa kanya, mga masasakit na salita, palo, suntok, at iba pang masasakit na gawain. Nagtataka siya kung bakit ganoon nalang siya kung ituring nang kanyang mga magulang. At ito ay nagbago nang ipinanganak si Lutchel, ang kanyang bunsong  kapatid na babae.Dahil noong isang araw, habang siya ay naghihiwa nang karne nang baboy, siya ay nasugatan at lumapit siya sa kanyang ina upang humingi nang alcohol. Ngunit hindi siya pinansin bagkus binigyan siya nang dahon nang malunggay mula sa kanilang bakuran.
Habang nagwawalis si Myko sa kanilang bakuran, biglang lumapit ang kanyang kapatid na labing-siyam na taong gulang na si Lutchel, at kinuha ang basurahan at natuwa si Myko dahil tutulong ito. Pero ito’y akala lang niya, ibinuhos sa kanyang harapan ang napakaraming basura.
“Happy Birthday, Kuya Myko! Sana’y natuwa ka sa iniregalo ko sa’yo ngayon!?” wika ni Lutchel na tumatawa.

“Bobo ka ba? May regalo bang ganyan?” sagot ni Myko.
At si Lutchel ay biglang umiyak at tinawag nito ang kanilang ina. Madaling nakaresponde ang kanyang ina, at mabilis na hinila ang tenga ni Myko patungo sa kanilang kuwarto. Kinuha nito ang sinturon nang asawa at pinaghahampas si Myko sa may pwetan. At sa labas nang kwarto ay tumatawa si Lutchel nang bonggang-bongga.
Pagkatapos ng mga pangyayari iyon, ikinulong si Myko sa kanilang bodega kasama ang mga dagang mapupula ang mga mata, at mga ipis na nagliliparan.
“Hindi na ito maganda ―mabuti pang umalis na ako sa mala-impyernong bahay at pamilya na ‘to”, galit na wika sa isip ni Myko.

Isang gabi, napagdesisyunan nang pamilyang Laza na kumain sa labas, pero maiiwan sa Myko at maghihintay na dalhan siya nang kanilang tira-tira.
“Ikaw ang magbabantay nang bahay! At wala kaming iniwan na pagkain―kaya maghintay ka na dalhan namin!”, sabi nang kanyang ina.
Pagkaalis nila, nagmadaling nag-impake si Myko at umalis nang bahay dala-dala ang isang napakaliit na maleta , perang naipon at tirang tinapay na nakita niya sa may basurahan. At naisipan niyang pumunta sa isang lugar na walang nakakakilala sa kanya.
Habang naglalakad si Myko, biglang tumunog ang kanyang tiyan, kaya huminto muna siya sa paglalakad at umupo sa gilid nang daan. Habang siya ay kumakain, napansin niyang may nakatingin mula sa kanyang likuran, pero binalewala lang niya sa pag-aakalang ligaw na pusa lang iyon.
Makalipas ang ilang segundo, isang paniki ang biglang umatake sa kanya mula sa likod, at napatayo si Myko at tiningnan kung saan nanggaling iyon. Nagulat siya nang may mga mapupulang mga mata ang nakatitig sa kanya at unti-unting inihahakbang ni Myko pa-atras ang kanya mga paa at dahan-dahang lumalapit naman sa kanya ang may mga mapupulang mata at matatalas na ngipin, na mula sa may damuhan.
Biglang umihip ang isang malakas na hangin, at napaatras ulit si Myko bigla nang isang matabang lalaki ang biglang sumulpot mula sa kanyang harapan.
“Umatras ka muna bata! At magtago diyan sa may pader, at medyo may isang malaking laban ang mangyayari-,” wika nang matabang lalaki na may nakatatak na CS sa kanyang likod nang kanyang damit.
Sinunod naman ito ni Myko, at doon sa tabi ay nakasilip at nanonood kung ano ang susunod na  mangyayari.
“Aba! Tsibug tayo sa tabatsoy na ‘yan!,” wika nang isa sa mga ‘di kilalang lalaki.
“Oo nga!,” sagot nang lalaking may CS na tatak sa likod nang damit nito, “ako nga pala si Eman! Eman Vulvich! Kung ‘di n’yo pa ako kilala-”
“Eman! — Kami pa la ay mga taga-Tsibu, at alam ko na kilala mo ang mga Tsibu clan?” wika nang isa sa dalawang lalaki.
“Oo naman! ­­­— Kayo ay isang bampira, at galing sa Tsibu clan na isang  assassin vampire clan” sagot ni Eman sa kanila.
“Masaya ako at alam mo ang tungkol sa amin— at alam mo na kung saan ka lulugar— Hoy! Tao!, nagtataka ako at kung bakit mo alam?”
“Madali lang! Isa lang naman  akong Herina!” pangiting wika ni Eman.
“Kuya—isa pa la siyang Herina! Atras na tayo!” wika nang kasama nitong batang bampira.
“Naduduwag ka sa isang Herina?— isa lang ‘yang kwento!” sagot nito sa batang kasama.
“Basta kuya! Aalis na ako—ayoko siyang kalabanin!” at mabilis sa tumakbo ang batang bampira, papalayo.
“Oh! Ano na? gusto mo pa ba akong makalaban?” tanong ni Eman.
“Eh—kahit ano ka pa… Hindi kita aatrasan!” sagot nito kay Eman.
“Sige—simulan na natin itong laban!” wika ni Eman.
Biglang nawala si Eman, at naging alerto ang bampira na parang may pinaplano. Biglang lumitaw si Eman sa likuran nito at madaling sumuntok ito sa tiyan ni Eman. Nabutas ang tiyan ni Eman at unti-unti itong tumumba. Tuwang-tuwa ang bampira sa kanyang nagawa kay Eman, ngunit pagkaraan nang ilang segundo, naramdaman nitong sumasakit ang kanyang tiyan. Pagkatingin nito sa tiyan niya, ay isang butas ang nabubuo.
“Ahhhh!—anong nangyayari?” tanong nang bampira sa kanyang sarili.
Biglang tumayo si Eman at sinabi kung ano ang nangyayari sa bampirang iyon, “Ishna Replica—isang spell na kayang ipagpalit ang atakeng natanggap ng gumamit ng spell papunta sa source nang sugat—bloodline spell ko, bilang isang Pantas”.
“Tampalasan kayong mga pantas!—salot!”
At unti-unting nabubura ang bampira, hanggang sa ito’y naging usok. At dahan-dahang lumapit si Myko kay Eman.
“Halika! Myko—,” wika ni Eman.
Ngunit biglang umatras si Myko, at tumakbo at nagsisigaw nang, “Halimaw!!!”.

Comments

Popular posts from this blog

Collection Of Language Trivia Enjoy !!

DNA stands for DeoxyriboNucleicAcid. Cooties are a kind of lice. Kids are right, you really don't want to catch cooties. Q is the only letter that does not appear in the names of any state of the Unites States. The side of a hammer is a cheek. Pierre, the capital of South Dakota, is the only state capital name that shares no letters with the name of its state. Hoful is an unusual word meaning cautious. A panagram is a sentence that contains all 26 letters of the English alphabet. For example: Pack my red box with five dozen quality jugs. Monday is the only day of the week that has an anagram, dynamo. The study of insects is called entomology.    The white part of your fingernail is called the lunula. The word "karate" means "empty hand." If you have had a haircut, you can be called an acersecomic. The symbol on the "pound" key (#) is called an octothorpe. "Fickleheaded" and "fiddledeedee" ...

HeartBullet Ep. 4 [in Filipino]

   Mabilis ang takbo nang motor ni Rhett at wala siyang pakialam kahit na pasikot-sikot ang daan.     Isang libreng Livelihood seminar ang nangyayari sa Memorial Gymnasium nang Bayugan kung saan naroroon ang mga taong may kapansanan na haharap at tuturoan kung paano gumawa ng mga palamuti sa katawan at sa bahay. Naroroon si Konsehal Lee Roy, pinuno nang Committee on Cooperative and Livelihood at nagpasimuno nang nasabing seminar.    Sa labas nang pinagdadausan ay nakatayo si Rhett at may dala-dalang pack Bag. Agad siyang pumunta sa gilid nang gym at doon ay pasimpleng pumuslit at pumasok. Pasimple siyang naglagay nang nakatiklop na papel sa bulsa nang isa sa mga security guard nang konsehal. Naramdaman nang nasabing security guard ang paglagay nang papel sa bulsa niya at nang basahin niya ito, nabigla siya sa kanyang nabasa; ‘Mamamatay ngayon si Konsehal Lee Roy. Walang makakapigil, uubusin ko  lahat na nandirito.’ ...

Mission Impossible | Ghost Protocol [MOVIELITE]

The IMF is shut down when it's implicated in the bombing of the Kremlin, causing Ethan Hunt and his new team to go rogue to clear their organization's name. Director: Brad Bird Writers: Josh Appelbaum , AndrĂ© Nemec , and 1 more credit  » Stars: Tom Cruise , Jeremy Renner and Simon Pegg   information is brought to us by IMDB    Watch the movie here @ Royalvids