Cast
David – Kristofer King
Marife – Marife Necesito
Toto – Martin Delos Santos
Pepe – Jess Mendoza
Troy – Kevin Vitug
Bojong – Adrie Dela Cruz
Jake- Marcus Cabrera
Sonny – Jonas Gruet
Popoy- Dustin Jose
Tony – Tony Lapena
Poli – Ray An Dulay
Tisay – Ivy Sumilang
Jenika – Virginia
Louie – Paul Roquia
Aling Mara – Scarlette Boiser
A Prostitute – Patricia Unas
Another Prostitute – Joyce
A Taxi Driver – Anton Gomez
A Muslim Vendor – Marc Mendoza
An Unfortunate Girl – Charlotte Dianco
A Tricycle Driver – JR Dela Cruz
Marife – Marife Necesito
Toto – Martin Delos Santos
Pepe – Jess Mendoza
Troy – Kevin Vitug
Bojong – Adrie Dela Cruz
Jake- Marcus Cabrera
Sonny – Jonas Gruet
Popoy- Dustin Jose
Tony – Tony Lapena
Poli – Ray An Dulay
Tisay – Ivy Sumilang
Jenika – Virginia
Louie – Paul Roquia
Aling Mara – Scarlette Boiser
A Prostitute – Patricia Unas
Another Prostitute – Joyce
A Taxi Driver – Anton Gomez
A Muslim Vendor – Marc Mendoza
An Unfortunate Girl – Charlotte Dianco
A Tricycle Driver – JR Dela Cruz
June 30, 2010. Ito ang araw kung kailan manunumpa ang bagong pangulo ng Pilipinas. Bagong Pangulo. Bagong Gobyerno. Bagong Pag-asa.
Pero ang mga tauhan sa apat na sulok ng Baclaran-Pasay Rotonda, bagaman naghahangad na makausad sa buhay sa kahit anong paraan ay pinanawan na ng pag-asa. Kung kaya’t nagkataon na sa araw na ito a…y makikilala natin sila sa mga sitwasyon sa buhay nila na di makikitaan ng anumang guhit ng pagbabago.
Itinakda ng taxi driver na si David na ito na ang araw na ipagtatapat na niya sa kaibigan at kasama sa bahay na si Bojong ang tutoo niyang pagtatangi dito – hindi niya ito maisasakatuparan dahil ito rin ang araw na itinakda ni Bojong para huminto sa pagpapasada ng kanyang katawan…at uuwi na ito sa kanilang probinsya.
Ito rin ang araw ng pagbabalik ni Marife sa pagpapasada ng kanyang tumatandang katawan. Muli siyang lumuwas sa Maynila upang kahit sa muling paliko-likong daan ay maituwid niya ang pagkakamali sa kanyang ipinamigay na anak – si Toto, at pagsasabi ng katotohanan sa kanyang dating asawa – si David.
Kung madidiskaril ang araw ni David sa pag-alis ni Bojong. Lalong diskaril ang paglabas ni Pepe mula sa kulungan. Walang pamilya. Walang trabahong tumatanggap sa kanya. Walang ibang mapagpipilian kundi ang bumalik sa pagko-callboy na siyang dahilan ng kanyang pagkakakulong. Muntik na niyang mapatay ang isang kostumer noon. Sa huli ay mababaliktad ang sitwasyon.
Hindi eksaktong pagbabalik, o pagtuklas sa bansang pinagmulan ng kanyang mga magulang ang pagpunta ng Amboy na si Troy sa Pilipinas. Ito ay pagtakas. Kung anuman ang kanyang dahilan, lalo siyang tumatakas sa walang hintong pagdudurog sa droga. Hanggang sa maubusan na siya ng pera at kinailangan niyang ipagbili ang natitira niyang pag-aari – ang kanyang katawan.
Ang taxi driver na nagsasideline sa pagkocallboy sa pasada na si Tony, ang tindero ng supot at drug pusher na si Popoy, ang relihiyosa at tomboy na drug pusher na si Tisay, si Jenika na sa edad na 16 ay estudyante sa umaga, puta sa hapon, at adik sa gabi – bukod sa mga dala-dalawang trabaho. May dalawa din silang pagkatao.
At sa buong gabi, habang nangangarap ang mga tao mula sa mga magagandang pangako na bibitawan ng mga bagong halal sa gobyerno – tutuhugin ng isang buong pagkakataon ang ibat- ibang biyahe sa isang araw sa buhay nila.
Sa pagitan ng mga nagsasalimbayang mga taxi, sa madidilim na daan, sa mga tagong lugar, at masamang pagkakataon.
Comments
Post a Comment
Thanks for the comment