Kapitulo Uno Ang Pantas at Ang mga Bampira Sa kailaliman nang gabi, sa isang bahay na malapit sa terminal nang bus nang Bayugan, isang sanggol ang iniwan sa tapat ng isang bahay nang isang hindi kilalang tao na nakatakip ang mukha. Kinabukasan, laking gulat nang pamilyang Bagton nang makita ang sanggol sa harap nang kanilang pinto. At dahil sa wala pa silang anak, kinupkop nila ito at itinuring na kanilang sariling anak, at pinangalanan itong Myko (Mayko). Si Myko ay namuhay nang ibinibigay ang lahat sa kanya, mga masasakit na salita, palo, suntok, at iba pang masasakit na gawain. Nagtataka siya kung bakit ganoon nalang siya kung ituring nang kanyang mga magulang. At ito ay nagbago nang ipinanganak si Lutchel, ang kanyang bunsong kapatid na babae.Dahil noong isang araw, habang siya ay naghihiwa nang karne nang baboy, siya ay nasugatan at lumapit siya sa kanyang ina upang humingi nang alcohol. Ngunit hindi siya pinansin bagkus binigyan siya nang dahon nang malung...