Skip to main content

HeartBullet Ep.2 [In Filipino]




   Habang naghahanap ang mga security personnel kay Abigail,  bigla nalang nawalan ng ilaw, at pagkatapos ng ilang Segundo ay bumalik ulit ito. Walang bakas silang nakita at hindi nila nahanap si Abigail kahit nilibot na nila ang buong paligid, isang mapanlulumong gabi para sa buong pamilya ni Abigail ang biglaang pagkawala nito.

   Isang kotse ang bumabaybay sa kahabaan ng Maharlika Highway na tumatakbo sa direksyon tungo sa syudad nang Bayugan. Sa loob ng kotse ay naroroon si Abigail, walang malay at suot-suot pa nito ang gown na bigay sa kanya ng kanyang ama. Isang lalaki ang naka-itim at nakatakip ang bibig na siyang nagmamaneho ng kotse. Huminto ang kotse sa isang iskinita at dinala nang hindi kilalang lalaki ang mahimbing na natutulog na si Abigail sa isang gubat. At doon sa gubat, ay isang bahay kubo ang tahimik na nakatayo kung saan isang hindi katangkaran na lalaki ang nakatayo sa pintuan ng bahay kubo. 

   “Ang galing mo talaga, Master!” wika nang lalakeng nakatayo.

   “Tantan, wag lakasan ang boses at baka magising ito” mahinang sabi nang lalakeng kumuha kay Abigail.

   “So? Ano plano mo, Master?” tanong ni Tantan sa lalakeng kumuha kay Abigail. 

   Hindi namalayan nang dalawa na gising si Abigail at tahimik na nakikinig. Hinintay na Abigail na sagutin nang sinasabing Master ang tanong pero bigla nalang itong pumasok sa isang kwarto.





    Kinaumagahan, bumungad sa bagong gising na si Abigail ang mga ngiti ng apat na bata na nakapaligid sa kanya. Nagulat siya nang siya ay inalalayang itinayo ng mga bata at hinawakan ang kanyang kamay at dinala sa hapag kainan.

    “Kuya Rhett, andito na girlpren n’yo po” wika nang isa sa mga bata sa lalakeng nagngangalang Rhett kung saan nauna na itong kumain.

   “Kumain ka na! Bago pa maubos ko lahat ito” wika ni Rhett kay Abigail.

    Umupo si Abigail at nagsimula na ring kumai, sa ikalawang subo niya ay napansin niyang nakatingin pa rin sa kanya ang mga bata. Tinanong niya kung kumain na ba sila at sumagot naman ito ng Oo. Pero napansin ni Abigail na puro lalake ang mga batang nakikita niya.

   “Mga kapatid mo ba itong mga bata na’to?”

   “Oo, ang limang itlog na’yan” sagot ni Rhett sa tanong ni Abigail.

   At nang malapit nang matapos si Abigail sa pagkain ay tinanong siya ni Rhett.

   “Huwag kang magtangkang tumakas….klaro?”

  “Eh!? Bakit ako tatakas? At saka….Sino kayo? Bakit ako naririto? Boyfriend ba kita? Sino ako?” sagot ni Abigail sa sinabi ni Rhett.


Patay....Anong nangyari kay Abigail? Abangan sa Lunes....


<------------------- HeartBullet Ep. 1                                   HeartBullet Ep. 3 ------------------>

Comments

  1. hahaha... galing naman... meron pala akong katulad sa post's style... nice story... you're also welcome to read mine... http://trunklocker.blogspot.com/2011/02/part-i-first-encounter.html ... thanks. Yahweh bless/

    ReplyDelete
  2. ok, di ko pa nga nabasa yung unang unang episode.

    Bookmarked!

    ReplyDelete
  3. On no nabitin ako.. Now I have to follow this... Interesting! ;-)

    ReplyDelete
  4. Thanks Violy Vallester, Nancy at Ralph.....

    ReplyDelete
  5. Haha! Series pala. Sige basahin ko muna naunang kabanata...

    ReplyDelete
  6. wow pocketbook pala ito hihihi, abangan ko nga ang susunod na kabanata

    ReplyDelete
  7. Don't forget to recommend this...hehehe..thanks....

    ReplyDelete
  8. hahaha,si Abigail kaagad nag bumungad na nakidnap .binabasa ko ito habang iniisip kung ano kaya ang unang episode. parang ala Robin Padilla movie ito at si Cludine Baretto si Abigail ,galing.

    ReplyDelete
  9. nahihirapan ako nito sa pagbasa ^_^

    ReplyDelete
  10. @Faust...saan po kayo nahirapan?

    ReplyDelete
  11. hehe galing namna netong story na to! I'll be looking for the first part and the continuation of this. ehehehe

    ReplyDelete
  12. @Kindlehearts.com tomorrow will have episode 3

    ReplyDelete
  13. kung any ang nadatnan ko yun lang ang nauunawaan ko. may dating, and galing!

    ReplyDelete
  14. Nice! :D Kelangan ko nang subaybayan 'to. Naiintriga ako sa nangyari kay Abigail.

    ReplyDelete
  15. uy katukayo ko pa (Abigail din ako). ang mga kwentong pinoy, di nawawalan ng amnesia. :D

    ReplyDelete
  16. parang gusto kong subaybayan to ah.. My Amnesia Girl lang ang drama.. hehehe! Cge Cge, mabasa nga.

    ReplyDelete
  17. abah! mukhang susbaybayan ko ang soty na ito kasi to be contiued eh hahahaha....

    ReplyDelete
  18. Nice one! Ang ganda naman nito!

    ReplyDelete
  19. @Clint...salamat..
    @Amor Envina... meyroon na pong episode 3....

    ReplyDelete
  20. i luv reading series like dis, sa Pilipino Star Ngayon na true confessions adik aq jejeje

    ReplyDelete
  21. tuloy-tuloy mo lang ang paggawa ng mga ganito, malay mo madiskobre ka at kunin ka ng mga major networks ng Pilipinas gaya ng Abs-CBN

    ReplyDelete
  22. can't wait for the next episode

    ReplyDelete
  23. medyo nacurious ako sa story ... balikan ko to ... I like how it was written though there were parts that could have had a smoother transition ...

    ReplyDelete
  24. can't wait for the next.. hahaha nice!

    ReplyDelete
  25. nasa chapter 3 na ako. napakaganda ng pagbitin ng mga scenes. really entices readers to continue reading on.

    ReplyDelete
  26. ayos, lalo nang gumaganda ang kwento mo galing!

    ReplyDelete
  27. looks like an interesting read, i cannot wait to read more ^_^

    ReplyDelete
  28. The writing here is great! Well, I've never really been good at Filipino in the first place.

    Keep honing your skill and can't wait for what comes next! Good luck!

    ReplyDelete
  29. bro pwede ka nang magsulat ng libro. give it a go and believe in yourself, you can make it! :-)

    ReplyDelete
  30. Ang saya nito. You should have it published :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Thanks for the comment

Popular posts from this blog

Collection Of Language Trivia Enjoy !!

DNA stands for DeoxyriboNucleicAcid. Cooties are a kind of lice. Kids are right, you really don't want to catch cooties. Q is the only letter that does not appear in the names of any state of the Unites States. The side of a hammer is a cheek. Pierre, the capital of South Dakota, is the only state capital name that shares no letters with the name of its state. Hoful is an unusual word meaning cautious. A panagram is a sentence that contains all 26 letters of the English alphabet. For example: Pack my red box with five dozen quality jugs. Monday is the only day of the week that has an anagram, dynamo. The study of insects is called entomology.    The white part of your fingernail is called the lunula. The word "karate" means "empty hand." If you have had a haircut, you can be called an acersecomic. The symbol on the "pound" key (#) is called an octothorpe. "Fickleheaded" and "fiddledeedee"

HeartBullet Ep. 4 [in Filipino]

   Mabilis ang takbo nang motor ni Rhett at wala siyang pakialam kahit na pasikot-sikot ang daan.     Isang libreng Livelihood seminar ang nangyayari sa Memorial Gymnasium nang Bayugan kung saan naroroon ang mga taong may kapansanan na haharap at tuturoan kung paano gumawa ng mga palamuti sa katawan at sa bahay. Naroroon si Konsehal Lee Roy, pinuno nang Committee on Cooperative and Livelihood at nagpasimuno nang nasabing seminar.    Sa labas nang pinagdadausan ay nakatayo si Rhett at may dala-dalang pack Bag. Agad siyang pumunta sa gilid nang gym at doon ay pasimpleng pumuslit at pumasok. Pasimple siyang naglagay nang nakatiklop na papel sa bulsa nang isa sa mga security guard nang konsehal. Naramdaman nang nasabing security guard ang paglagay nang papel sa bulsa niya at nang basahin niya ito, nabigla siya sa kanyang nabasa; ‘Mamamatay ngayon si Konsehal Lee Roy. Walang makakapigil, uubusin ko  lahat na nandirito.’    Ito ang nakasulat sa papel kung sa

Rated PG: Meet Marcus

This guy named Marcus Cabrera . He is one of the Indie Actors that might be the next Coco Martin, maybe. He is now a part of the upcoming Indie Film "TAKSIKAB". He is also one of the Hottest Indie Actor today. He is cute, right? He was also part of an Indie Film, "LIBIDO". He shows his naked body without hesitation, just for the sake of art. Catch for more updates about him and photos here at ESETPIP: Rated PG