Skip to main content

HeartBullet Ep. 4 [in Filipino]








   Mabilis ang takbo nang motor ni Rhett at wala siyang pakialam kahit na pasikot-sikot ang daan. 

   Isang libreng Livelihood seminar ang nangyayari sa Memorial Gymnasium nang Bayugan kung saan naroroon ang mga taong may kapansanan na haharap at tuturoan kung paano gumawa ng mga palamuti sa katawan at sa bahay. Naroroon si Konsehal Lee Roy, pinuno nang Committee on Cooperative and Livelihood at nagpasimuno nang nasabing seminar.

   Sa labas nang pinagdadausan ay nakatayo si Rhett at may dala-dalang pack Bag. Agad siyang pumunta sa gilid nang gym at doon ay pasimpleng pumuslit at pumasok. Pasimple siyang naglagay nang nakatiklop na papel sa bulsa nang isa sa mga security guard nang konsehal. Naramdaman nang nasabing security guard ang paglagay nang papel sa bulsa niya at nang basahin niya ito, nabigla siya sa kanyang nabasa;
‘Mamamatay ngayon si Konsehal Lee Roy. Walang makakapigil, uubusin ko  lahat na nandirito.’

   Ito ang nakasulat sa papel kung saan agad nitong pinagbigay-alam sa kanilang Head security at doon ay hinigpitan nila ang pagbabatay sa Konsehal at nag-disperse lahat ng mga security guard sa paligid upang mahanap ang sinumang naglagay nang bantang iyon.

   Isa sa mga security guard ay may nakitang kahina-hinalang lalake na unti-unting lumapit kay Konsehal Lee Roy at ito’y si Rhett. Itinutok nang security guard na iyon ang kanyang baril kay Rhett at ready nang kalabitin nito ang kanyang baril. Bigla nalang tumakbo si Rhett papalapit sa Konsehal at dahil dito na bigla ang security guard at nakalabit niya ang gatilyo at tinamaan si Rhett habang nakayakap siya kay Konsehal. Agad na pinaulanan nang bala ng mga kasamahang security guard ang security guard na bumaril na kay Rhett.

   Mabilis na naka-responde ang ambulance at idinala si Rhett sa Ospital, pasalamat nalang itong Rhett at daplis lang ang kanyang natamo. 

   Habang nagpapahinga sa kwarto si Rhett ay biglang pumasok si Konsehal Lee at lumapit sa kanya.

   “Salamat sa iyong pagligtas sa buhay ko, bata. Kulang pa na kabayaran ang pagbayad ng mga bills mo rito sa ginawa mong pagligtas sa buhay ko, gusto pa kitang tulungan, meyroon ka bang nais na ihiling bilang gantipala nang iyong kabayanihan?” tanong nang Konsehal kay Rhett.

   “Isa lang po ang mahihiling ko, ‘yun po ay magkaroon ako nang trabaho para mabuhay ko po ang lima kong kapatid” sagot ni Rhett.

   “Tamang-tama at kulang na ako nang isang security guard, mukhang malakas ka naman at matalas kang makiramdam, ikaw nalang ang hahalili sa bwiset na security guard na’yon. Payag ka ba sa alok ko?” tanong ni Konsehal.

   Agad na pumayag si Rhett sa alok nang Konsehal at nakangiting nakipaglamano kay Konsehal Lee.



Ano kaya ang kanyang mga dahilan at bakit ginawa iyon ni Rhett? Abangan ngayong Wednesday ang Episode 5 nang HeartBullet.


<------------- HeartBullet Episode 3                                        HeartBullet Episode 5 ---------------->


Comments

  1. parang may mali sa storya.bakit piangbabaril ng kapwa security guard yung isang SG,tama naman na barilin nya yung kahinahinalang si Rett na lumapitr sa onsehal.

    at parang putol ang continuation nung 1st paragraph sa 2nd paragraph.

    ReplyDelete
  2. @tatess.... ano po ibig sabihin nyo po sa "at parang putol ang continuation nung 1st paragraph sa 2nd paragraph."?

    ReplyDelete
  3. Parang nawala nako sa story. Backread muna... Ahihi. Daming kapatid ni Rhett!

    ReplyDelete
  4. you have a talent for writing. I am a writer myself pero I am not really good in Filipino literary.

    ReplyDelete
  5. I never had a knack at Tagalog write-ups and plot pero this one is an exception, indeed u have a talent for writing! Kudos!

    ReplyDelete
  6. Nice story...keep it up.. do writing and posting...

    ReplyDelete
  7. I haven't read the first 3 ep. Mukhang maganda to. Backread ako.

    ReplyDelete
  8. dapat indi tayo maghusga at magmadali... tapusin muna ang bawat bahagi nito... maganda ang pagkalagay na sanaysay... mayroon suspense!

    ReplyDelete
  9. nakakaaliw naman to.. hehehe dahil nasanay akong magbasa ng English, medyo hirap na ako sa Tagalog now.. naku naman :) Napakagandang post!

    ReplyDelete
  10. gets ko na ang connection sa ep.3! di ko ma-connect kanina eh hahaha

    ReplyDelete
  11. mukhang kelangan kong basahin ulit hangang sa simula hahahaha...

    ReplyDelete
  12. Salamat sa mga comments n'yo po....

    ReplyDelete
  13. wow.. ngayon lang ako nakabisita sa isang blog na katulad na ito.. great.. abangan ang susunod na kabanata,... mukhang may balak patayin ni Rhett ang konsehal.. bakit kaya

    ReplyDelete
  14. I think you're committing what most newbie writers commit as a mistake. The continuity is not there. Kumbaga sa pelikula, sa frame na to e nasa right ang mug, next frame nasa left na. Details lang naman.

    ReplyDelete
  15. Nakakaaliw naman.. gustong gusto ko talagang gumawa ng tagalog blog kaso bulol akong mag tagalog kaya cgurado bulol din ang isusulat ko ehehe.. keep it up.. susubaybayan ko to. :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Thanks for the comment

Popular posts from this blog

Collection Of Language Trivia Enjoy !!

DNA stands for DeoxyriboNucleicAcid. Cooties are a kind of lice. Kids are right, you really don't want to catch cooties. Q is the only letter that does not appear in the names of any state of the Unites States. The side of a hammer is a cheek. Pierre, the capital of South Dakota, is the only state capital name that shares no letters with the name of its state. Hoful is an unusual word meaning cautious. A panagram is a sentence that contains all 26 letters of the English alphabet. For example: Pack my red box with five dozen quality jugs. Monday is the only day of the week that has an anagram, dynamo. The study of insects is called entomology.    The white part of your fingernail is called the lunula. The word "karate" means "empty hand." If you have had a haircut, you can be called an acersecomic. The symbol on the "pound" key (#) is called an octothorpe. "Fickleheaded" and "fiddledeedee"

Rated PG: Meet Marcus

This guy named Marcus Cabrera . He is one of the Indie Actors that might be the next Coco Martin, maybe. He is now a part of the upcoming Indie Film "TAKSIKAB". He is also one of the Hottest Indie Actor today. He is cute, right? He was also part of an Indie Film, "LIBIDO". He shows his naked body without hesitation, just for the sake of art. Catch for more updates about him and photos here at ESETPIP: Rated PG