Featured News


Puso




“Patawad po, Ma’am, pero nasa masamang kalagayan ang iyong anak, at kailangan siyang maoperahan sa puso. At magkakahalaga ito nang isang daang libong piso,” wika nang doktora sa inang umiiyak sa kadahilanan na ang kanyang pinakamamahal na anak ay nasa bingit nang kamatayan.

“Saan po ako makakakuha nang ganyang kalaking pera? Mahirap lang po kami at wala kaming ganyang kalaking pera,” maluhang-luhang sabi nang ina.

“Sige po Ginang, ako na po ang magbabayad sa kalahati,” sagot ng doktora, dahil nakita nito na wala talagang pera ang Ginang at sa pagkakaalam na ito’y biyuda na.
“Pero po, babayaran ninyo ‘ to ha! Kahit na matatagalan?” kondisyon nang doktora sa Ginang.
“Talaga po? Sige po! Babayaran ko po kayo,” masayang wika nang ginang sa doktora.
“Sige po! Aalis muna ako para maghanap nang mauutangan,” at umalis ang ginang na may ngiti sa pagkakarinig nang ganoong magandang balita.

Pumunta siya sa mga Charity sector upang humingi nang tulong para operasyon nang kanyang anak. At hanggang sa makalikom siya ng limampung libong piso, sakto sa kulang na bayarin sa operasyon nang kanyang anak. Habang naglalakad papuntang ospital, meyroon siyang nakasalubong na grupo ng mga kabataan at doon ay tinutukan siya ng patalim at hiningi ang perang dala-dala. Pero siya ay pumalag at nanlaban, hanggang sa masaksak siya at kahit sinaksak na, ay hindi parin binitawan ang perang dala, at agad na tumakbo ang mga salarin dahil may isang tanod na nakakita at agad na sumaklolo. Sa pagkakita nitong nag-aagaw buhay ang ginang, agad nitong idinala sa ospital kung saan nandoon din ang kanyang anak. Doon sa ospital, ang doktora ang gumamot sa ginang at nang makita itong nag-aagaw buhay, ay napaiyak ang doktora at sinabihan nito na huwag bumitaw alang-alang sa kanyang anak, at tapos ay ginawa ang operasyon.

Kinabukasan, nagising ang anak nang ginang at hinanap agad nito ang kanyang ina. Tinawag nang nurse ang doktora at doon ay lumapit ang doktora sa bata.
“Doktora! Nakita po ba ninyo ang aking nanay? Wala po kasi siya dito.”
Napaiyak bigla ang doktora at ikinwento nito ang lahat. Bago maoperahan ang nanay nang bata ay may sinabi ito sa doktora.
“kung mamamatay ako dahil sa sugat na ito- puso ko nalang ang ipalit ninyo sa aking anak- para hindi niya makakalimutan na kung gaano ko siya kamahal”
ARAL: Walang ina ang hindi mahal ang kanyang anak. –Santino.

No comments:

Leave a Reply

Thanks for the comment

Scroll to top